BDRRM KWENTUHAN: Ang kahandaan ng Barangay Fortune sa anumang Peligro.

December 7, 2018 – In compliance with the requirement for NSTP and also with my willingness to know the DRRM plan of my Barangay. I went to our Barangay City Hall to interview KGG. Vilma M. Santos, to know what are my barangay’s ways of being prepared during disasters.

LOCATION

Screen Shot 2018-12-21 at 12.56.59 AM.png

BARANGAY FORTUNE

Marikina Valley is located in the Eastern part of Metro Manila, on the Western part of the city, you can find the Marikina River, alongside of it is the Valley Fault Line. No place in the Philippines can you find two disaster prone areas in one place. Marikina has no choice but to be prepared.

Barangay Fortune is Located in the North-Eastern part of Marikina. According to Wikipedia, Barangay Fortune is a former sitio of Barangay Parang, Fortune was constituted as a separate entity on April 10, 2007 by virtue of Republic Act No. 9431. The new barangay, was named after a cigarette company located in the area, is the youngest among the 16 barangays of Marikina. Officially, the barangay is bounded on the north by the centerline of Fortune Avenue; on the east and north by the centerline of the Nangka River; on the southeast by the Marikina-Antipolo boundary until it intersects the centerline of Nangka River; on the southeast by the Marikina-Antipolo boundary until it intersects the centerline of Nangka River; on the west by the centerline of Park 8 Creek; on the west by the centerline of F. Balagtas Street; on the southwest by the centerline of Tanguile Street; and on the southwest between one depth along Monserrat Hill Street, La Milagrosa subdivision, until it intersects the Marikina-Antipolo boundary. The city mayor appointed the barangay’s first set of officials after a plebiscite was held ratifying Fortune’s creation.

INTERVIEWEE

36387675_1726057700764447_4321507586844131328_n

 

KGG. VILMA M. SANTOS

KGG. Vilma M. Santos is one of the top and most famous Kagawad in Brgy. Fortune. She had been a candidate to be the next Barangay Captain of Fortune. The BDRRM head is not available during that date, so I interviewed KGG. Santos.

INTERVIEW PROPER

Hazard Identification (Pagtukoy ng mga Bantang Panganib)

Ang kadalasan na mga kalamidad na naranasan na ng barangay Fortune ay Bagyo, Pagbaha, Sunog at Lindol. Ang pinaka matinding kalamidad  ay ang Bagyong Ondoy noong 2008 at yuong bago lang na si Bagyong Ompong, Hindi lang sa Barangay Fortune ito’y nakaapekto ng matindi pero sa buong Marikina rin. Nalalaman ng mga tao at opisyal na may parating na bantang sakuna sa news, sa tv, o sa radyo. Pupwede ding kapag ang langit ay nasa hindi magandang histura. Ang pagbaha sa Brgy. Fortune ay bihira ngunit sa ibang bahagi nito ay madali dahil ito ay katabi ng creek.

CREEK NA MALAPIT SA FORTUNE, na isa sa mga dahilan ng pag baha

48912113_938422563030545_5561787592380252160_n.jpg

Maling pagtapon ng basura sa mga lugar, na pupwedeng magdulot ng pag-clog ng drainage

 

 

 

Flooding_from_Typhoon_Ondoy_(Ketsana),_Philippines_2009._Photo-_AusAID_(10695725136).jpg

 

ANG DULOT NG BAGYONG ONDOY SA FORTUNE, MARIKINA (C) Wikimedia

 

 

 

 

Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment 

Kung tumama ang panganib sa Barangay Fortune, ang may pinakamatinding mapipinsala ay magmumula sa San Miguel mula 1 hanggang San Miguel Phase 4, at Tiyaka sa Lower Balite, Champaca 2 at Bonanza. Ang mga lugar nila ay yung may pinakamatindi na pinsala dahil sila ay malapit sa creek na dinadaluyan ng tubig. Ang epekto ng pagtama ng sakunang pagbaha sa mga tao ay ang mga ari-arian at gamit ng mga tao na hindi naisulong at naitaas ay masisira kadahilanan na ang tubig ay pumapasok sa loob ng bahay. Nakakaapekto din sa serbisyong panlipunan ito dahil kapag natapos na ang sakuna, mas bibigyang unang pansin ay paglilinis kayat hindi na nakapag ttrabaho agad ang mga tao dito. Ang pinakaligtas na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib ay sa may mga matataas na parte ng Fortune, katulad ng Victory Hills, La Colina Subdivision, Homepoint Village at Permaline Homes. Ang problema na kinakaharap ng barangay Fortune na humahadlang sa pag-unlad ng tao at pamayanan at pumipigil sa pagbangon ng pagkasalanta sa mga kalamidad ay ang populasyon at tao na nakatira dito. Sa dami ng populasyon sa Fortune, hindi na agad narerespondihan ng opisyal ang lahat ng nangangailangan at marami sa Fortune ang indigent kaya’t hindi mabilis ang pagbangon sa pagkasalanta ng bagyo.

ANG MGA LUGAR NA PINAKAAPEKTADO KAPAG MAY SAKUNA

FORTUNE CREEK/ LOWER BALITE

CHAMPACA 2

 

BONANZA

48413568_2026815804080978_4305645697094385664_n.jpg

SAN MIGUEL PHASE 3

ANG MGA LUGAR NA LIGTAS KAPAG MAY SAKUNA

48396711_351712115646228_1884411124388986880_n

PERMALINE HOMES 2

48374038_363820910849721_2039580415823446016_n.jpg

UPPER BALITE

 

Capacity and Disaster Management Assessment

Ang mga ginagawa ng pamayanan at barangay sa paghahanda-pagiwas at kung sakaling may mga bantang panganib tulad ng bagyo, baha, lindol na dumating ay nagkakaroon ng proper training sa lahat ng mamamayanan ng Fortune kada anim na buwan upang malaman ng mga mamamayan kung ano nga ba ang tama at dapat gawin kung magkakaroon ng sakuna. Nagkakaroon din ng seminar tungkol sa Disasters. Mayroon ding mga opisyal na naglilibot sa mga eskuwelahan upang magturo rin ng maayos na gagawin tuwing may sakuna at kung paano ito maiiwasan at paghahandaan. Tulong tulong ang lahat ng NGO’s ng Marikina City sa BDRRM ng bawat barangay. Ang programa, sistema, gamit, pasilidad o kakayahan meron ang barangay Fortune na makakatulong sa mga tao , serbisyo at kabuhayan na maka-recover o makabangon ay mayroon ang fortune na mini ambulance upang mag bigay saklolo kapag may sakuna at kalamidad, mayroon din ang fortune na fire truck na laging handa upang rumisponde kapag may sunog, Mayroon ding Patient Emergency Vehicle upang kapag may sakuna ito ang umiikot upang umalam kung mayroon bang mga casualties o may mga naapektuhan. Ang namamahala sa paghanda, paharap at pagtugon sa kalamidad ay ang aming Barangay Captain na si KAPITANA RIZALINA W. TEOPE

 

Safest and Hazardous Areas places, spaces, practices, lifestyle, issues in the community. 

This slideshow requires JavaScript.

COMMUNITY WALK)

 

Ang mga issue na ikinakaharap ng aking komunidad ay ang pagkukulang sa community involvement. Aking napapansin na kapag ang aking barangay ay nagbibigay ng libreng training at seminar, ang mga pumupunta lang kadalasan ay ang mga napipinsala kapag may sakuna. Ang mga tao na hindi naapektuhan  at yung mga nasa taas na lugar ay hindi na masyadong sumasali. Ang solusyon lang dito ayon sa aking paningin ay ang matinding pangunawa sa lahat ng mamamayan ng barangay dahil lahat ay kailangan malaman ang BDRRM plan ng isang barangay upang pwede maiwasan at masolusyunan agad kapag may sakunang paparating at dumating na.

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang bansang parating nakakdanas ng malakas na Bagyo, marahil tayo ay Archipelago na napapalibutan ng yamang tubig. Mahahalintulad ko din ang Barangay Fortune dahil ito ay napapagiliran din ng creek. Ang baha din sa pilipinas ay hindi maiiwasan katulad narin ng sa Fortune.

Ang aking napagtanto sa kwentuhan at community walk na ang sobrang naapektuhan kapag may sakuna ay ang mga indigent, at ako, bilang isang mamayanan sa barangay na ito ay kailangan ko ding maging mulat ang bukas ang isip sa anumang aspeto mas lalo nasa DRRM ng aking barangay dahil kung alam ko ito. Maaaring malaki ang maitulong ko sa aking barangay. Kailangan din natin bilang isang mamamayanan ng barangay na maging disiplinado mas lalo na’t sa pag tatapon ng basura na pupwedeng maging sanhi ng pagbaha.

Kailangan na nating solusyunan ang mga probelmang ito upang maging maunlad na ang Pilipinas. Masosolusyunan natin ito kapag naisarili na natin ang pagiging Disiplinadong miyembro ng isang Barangay at Bansa. Bilang isang Miyembro ng Barangay ko, ako ay nagsisiguradong magiging advocate ng pagpapalaganap at pagbibibigay impormasyon tungkol sa BDDRM ng aking barangay. Aking ipapakita sa aking barangay na sa pag tulong tulong, malayo ang mararating namin.

 

MARAMING SALAMAT PO.